Ang Pooritang Gala

Akala ng iba sa akin (lalo na yung mga hindi mahilig magtravel), porket umaalis ako halos buwan-buwan, napupunta sa mga bundok, dagat o saan pa man, akala nila ang dami ko nang pera. At akala nila, napupunta lang sa ‘galaan’ lahat. ๐Ÿ˜„

“Marami kang pera, gala ka nga ng gala eh.”

Nagkakamali po kayo. Magpaliwanag tayo ng side natin. ๐Ÿ˜
– Katakot-takot na pagtitipid po ang ginagawa namin makaipon lang para sa nakaset na travel.

  • Budgeted po lahat ng gala namin, mula pamasaheng 7 pesos hanggang sa pinakamahal na gastos, nakalista. (Mga accountant kami di ba?) ๐Ÿ˜

  • Yung bundok na sinasabi nyo, akala nyo lang mahal pumunta dun, pero 500 lang, all in pwede na. Mas mahal pa nga yung iphone mo.

  • Mas pinipili naming mag-ipon para makarating sa iba’t-ibang bahagi ng mundo (mundo talaga ang goal!) kaysa sa mga materyal na luho tulad ng ipad, tablet at kung ano-ano pang mga gadgets na meron ngayon na nawawala rin naman sa uso pagdating ng panahon.

  • Hindi rin po kami ‘nagwawaldas ng pera’, mas pinili lang po naming mag invest sa mga travel. Wag po kayong mag-alala kung iniisip nyo pong hindi kami makabili ng sarili naming bahay kakagala namin, flexible po kami, kaya pong mag-adjust. May plano po kami para sa pagsesettle down, pero ibang usapan po iyon. ๐Ÿ˜‰

  • At higit sa lahat, eto po ang pangarap naming hindi mahahawakan, hindi maaagaw, makasarili man pakinggan pero ito po ang mga narating namin, naranasan, nakilala at natutunan. Wala pong makapipigil sa aming idiskubre ang mundong ito, kaya pasensya na po, sa mga hindi kami maintindihan.

  • Ang pera nauubos, tapos, naiipon ulit, pero ang mga naranasan sa paglalakbay? Minsan lang yun. Iba-iba sila at di nauubos pero minsan lang daraan sa aming buhay, tatatak naman sa aming puso.

Pagdating naman sa huli, tatanungin nila tayo, “Ano ba ang napundar mo?” Ang sagot dyan ay kung ano ang mahalaga sayo. Bahay, kotse? pamilya, kaibigan? Karanasan? Kwento? Depende sayo. Depende sa pangarap mo. Ikaw bahalang sumagot. Promise, hindi kami kokontra, walang tututol, peksman. ๐Ÿ˜‰

image

Sheโ€™s a traveler, a frustrated accountant. An artist and a writer at heart. Unpredictable and spontaneous. A little weird and a little mysterious. So chase her and run with her. Youโ€™ll never get bored and youโ€™ll never regret it.

I would like to know your thoughts. Please leave a comment.